Pages

Monday, August 3, 2020

Biking, wounds and worries

              
                   Nagtry ako magbike recently to make myself exercise but then on my way back sumemplang ako so as a result nasugat ako. At my age since most likely magmamark na yung any kind of sugat sa skin ko dapat disappointed ako. Surprisingly, I felt happy parang ang tagal na nung huling nagkasugat ako ng ganun. It brought me back to the past. Nung bata pa ko I loved biking so whenever sesemplang ako it didn't matter. Ang sarap talaga balikan yung ganun, yung parang ang simple lang ng lahat. Yung care ko kung magiwan ng scar yan. I didn't need to impress anybody so whatever. Yung basta masaya ako sa ginagawa ko. Wala akong pakialam sa future. I didn't need to worry.

                     Ganun yata talaga, lahat kasi ngayon kelangan mo iworry. As in literally LAHAT. Pinipilit ko talaga na ibigay lang lahat kay God pero pag nakikita ko nanay ko nagtatago sa inutangan, problema sa kuryente, mahal ng bilihin. Hindi ko makuhang magbingibingihan o magbulagbulagan kaya naiirita lang ako. Imagine may maliit ka na nga na business dito problema pa din ang pera. For reasons na hindi naman dapat ako involved but I need to train myself to do that kasi sila hindi nauubusan ng pinoproblema sa buhay kasi kahit problema ng ibang tao pinoproblema pa din nila. 

                     I have to recite this mantra "In God's time, In God's perfect time!" Kaya lang minsan talaga hindi ko maalis yung inip na, I need to get away from all these. Yung bawasan ko lang yung worry na naipapasa pa nila sakin. Kasi for now gusto ko lang sana ang worry ko lang pano ko papakainin anak ko, pagaralin sya at kumportable kami sa pamumuhay namin. O diba, ang simple lang dapat? Parang ang dali kasing umiwas sa iba pang worries pag malayo ka, hindi mo naririnig at di mo nakikita. Parang ang aga ko lang gusto magretire pero its all because I have had enough in the past siguro and I want to put my burdens to rest.

                      Yung anxiety ko, ayoko na natritrigger sana kaya nga kung pwede lang data entry or transcription nalang gusto ko trabaho para mas malayo sa sources ng worries sa work. So far parang ayaw pa ibigay sakin yun so baka hindi pa time or may mga kelangan pa ko mameet na mga tao na magbabago ng buhay ko and hopefully in a positive light. 

                         For now, I am positive to do these 3 things:
                 1. Bumalik na sa Baguio
                 2. Magwork or business to sustain ang pagbalik sa Baguio
                 3. Hopefully makasettle na sa Baguio for good
                    
                        Ano ang common denominator nila? Baguio. Feeling ko lang kasi I will be more at peace in this place. Since it is my favorite place in the world and I will be away from negativity.