Bakit nga ba ang mga tao pagwalang ginagawa laging sinasabi "ang bagal naman ng oras"? O kapag meron naman tinatapos na deadline or meron ganap sa buhay, "ano ba yan ang bilis naman ng oras". Nakakaawa din ang oras minsan, lagi nalang sinisisi. Pag may maaga nawala sa mundo, sasabihin nila "hindi pa dapat sya nawala masyado pa maaga". Pag meron naman sobrang sama ng ugali "kelan kaya mamamatay yan? ang tagal naman".
Pero ang totoo nyan, sa atin nakabase ang bilis at takbo ng panahon. Sa mga choices natin sa buhay. Sa kung paano tayo magspend ng bawat sigundo.
Halimbawa ako, ngayong mga oras na 'to. Eto ako nakaupo sa workstation ko binasa ko na lahat ng blogs sa Quora at blogs ni M.Manson dahil wala akong ginagawa. Dahil hinihintay ko lang matapos ang 60 days na required notice sa opisina. Isa nga ito sa napakaweird na patakaran ng company. Imagine 60 days transition para sa support department at facilities pa for that matter. Katanggap tanggap pa sa technical eh pero sa support? Eh kaya ko magtransition ng isang araw lang kung hindi tanga yung pageendorse-an ko. Pero dahil 50 kiyaw ang penalty sige nalang kahit eto mamatay ka sa boredom sabi ng pagod kong mata, kakabasa at pwet ko, kakaupo.
Pero sabi nga nila be thankful for what you currently have kasi yung ibang tao gusto ng patakbuhin ang oras sa sobrang bigat ng trabaho nila or pasanin sa buhay. I am thankful everyday. Alam mo yung parang may kailangan ka lang gawin na iba pero ang totoo hindi mo alam kung ano yun. Basta lang nanghihinayang ka dun sa oras na dapat ata iniukol mo sa ibang bagay.
Minsan kasi hindi lang puro pera, pera ang dapat nasa isip. Natutunan ko yan sa pinakamasakit na paraan. Marami talagang hindi nabibili ang pera katulad ng ngiti sa mata ng anak ko, ang mga jokes nya na walang kapantay, malaliman na usapan sa pagitan namin ng nanay ko at lola ko, sariwang hangin sa probinsya namin, moments with the whole family at madami pang iba.
Pinili ko ang maghintay para sa isang greater purpose kaya hindi dapat mainip. Ang kailangan ay magisip ng paraan para mabawasan ang inip. Parang pagiging responsable mo sa mga bagay na pinili mong gawin. Nasa sa atin talaga kung paano mababawasan ang inip ng paghihintay. Naguguluhan nga din ako sa sarili ko, nung 3 years ako walang ginagawa, lagi ako nanghihingi ng senyales na kung hanggang dun nalang ba talaga ko pero ang totoo nyan ako din lang ang gumawa ng paraan para mawala ako dun sa sitwasyon na yun. Kaya sa palagay ko hindi talaga dapat tinatanong sa Diyos kung anong gagawin mo sa mga dilemma mo sa buhay dahil ikaw din lang ang makakasagot sa mga tanong na yun. Minsan lang talaga nahihirapan tayo pumili dahil ang dami natin dapat iconsider. Pero at the end of the day tayo pa din ang makakaranas ng regrets or fulfillment. Parte yun ng pagiging human I guess. Dahil kung wala yung mga bagay na yun mas walang kwenta ang buhay.